Philippines Report

Magkapatid patay sa pananaksak ng ama; suspek nagpatiwakal

TANTANGAN, SOUTH COTABATO – KARUMALDUMAL ang sinapit ng magkapatid matapos itong pagsasaksakin ng kanilang ama sa Purok 3, Barangay Dumadalig nitong bayan.

Patay ang 6-anyos at 4-anyos na batang lalaki matapos silang saksakin ng sarili nilang ama na kinilalang si Willy Enalbes Jr., 30-anyos.

 

 

Matapos patayin ang kanyang mga anak, nagpatiwakal naman ang nasabing ama na nagbigti gamit ang harness.

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal sa ina ni Willy na si Marciana Enables, nagseselos umano ang anak nito sa asawa niyang nasa Manila na nakatakdang lumuwas papuntang Dubai upang magtrabaho.

 

 

Una na umanong nagbanta si Willy na papatayin ang tatlo nitong mga anak na lalaki.

Napag-alaman na alas-10:30 ng gabi ng Hulyo 9, kinuha umano ni Willy ang tatlong anak mula sa bahay ng kanyang ina subalit nagpumiglas ang 12-anyos niyang anak na lalaki dahilan upang hindi niya ito nadala sa kanilang bahay na katabing bahay lamang ng kanyang ina.

Subalit, alas-7:30 Martes ng umaga ng puntahan ng lola ang kanyang mga apo, nakita na lamang nitong patay na ang isa dahilan upang humingi ito ng tulong sa barangay.

Dito nalaman na patay na ang magkapatid habang nakalambitin naman sa loob ng kuwarto ang kanilang ama na wala na ring buhay.

Sa ngayon, patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng kapulisan sa nasabing krimen.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x