Philippines Report

Marian sa pagtakbong senador ni Dingdong: Malaki ang maitutulong ng asawa ko…may kakayahan siya!

NATAWA lang ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang tanungin kung posible bang pasukin din niya ang mundo ng politika tulad ng ibang celebrities, kabilang na ang ninang niya sa kasal na si Vilma Santos.

Kilala rin kasi si Marian sa pagiging matulungin, sa katunayan napakarami niyang tinutulungang charity institutions ngayon na may koneksyon sa kanyang isinusulong na mga adbokasiya.

Bukod sa pagtulong sa mga inang tulad niya, isa rin siyang Ambassador for Women and Children with Disabilities, suportado niya ang Smile Train na tumutulong sa operasyon ng mga batang may cleft lip at cleft palate.

Sa dami ng kanyang mga natutulungan, keri kaya niyang maging public servant din in the future, tugon ng misis ni Dingdong, “Yung mga ginagawa kong charity o pagtulong, e, gusto ko siya.

“Ginagawa ko siya at du’n ko nararamdaman na makabuluhan yung buhay ko at ang pagiging artista ko kapag may nagagawa akong mga ganu’n,” ani Marian.

Tungkol naman sa balitang tatakbo si Dingdong bilang senador sa susunod na eleksyon, 101% daw niyang susuportahan ang asawa.

 

 

Modus Operandi: OFW Community warns about a scammer that targets aged women on Facebook

 

“Si Dong, kung if ever man na tatakbo siya, wala akong nakikitang masama kung tatakbo yung asawa ko. Dahil alam naman ng lahat, ng bawat isa rito, kung gaano kabuti ang puso ng asawa ko.

“So, kung ano ang gusto niya sa buhay, susuportahan ko siya 101 percent,” chika pa ni Marian sa pa-presscon ng GMA 7 para sa pagpirma niya uli ng exclusive contract bilang Kapuso. Pero aniya, hindi pa raw nila napag-uusapan ng Kapuso Primetime King ang tungkol sa politics.

“Hindi ko pa talaga alam sa kanya, wala pa namang sinasabi. Pero if ever, sabi ko nga, if ever, well, susuportahan ko nga yung asawa ko kung anuman ang gusto niya. Dahil naniniwala ako sa kakayanan niya at alam ko na mabuti siyang tao,” pahayag pa ng napakaseksi pa ring Kapuso Queen.

Sa tanong kung handa na siyang harapin ang magulong mundo ng politika sakali ngang tumakbo ang asawa, “Hindi ko pa ‘yan naiisip kasi hindi pa naman siya pumapasok. So, bakit ko poproblemahin at iisipin ‘yan?
“Pero para sa akin, hindi problema ‘yan sa akin dahil, if ever, alam kong malaki ang maitutulong niya.”

Anyway, sa muling pagpirma ng kontrata ni Marian sa GMA, siguradong marami pang dapat abangan ang kanyang fans sa mga susunod na linggo. Baka raw next month ay pag-uusapan na ang susunod niyang teleserye at iba pang projects na gagawin niya this year.

Posible rin daw na gumawa sila ng sitcom ni Dong.

 

http://philippinesreport.com/quality-time-ni-president-rodrigo-duterte-anak-na-si-kitty/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x