Philippines Report

Mga fetus, nakuha sa bodega ng lalaking nagbenta ng bangkay

Natuklasan ng mga awtoridad sa Amerika ang 4 na nakapreserbang fetus sa bodega ng isang lalaking dating nagbebenta ng mga bahagi ng katawan.

Nahanap ang mga fetus nang salakayin ng mga tauhan ng Federal Bureau of Investigation ang bodega ng negosyanteng si Arthur Rathburn sa lungsod ng Detroit, Michigan noong Disyembre 2013.

Inaresto noong nakaraang taon si Rathburn, na nahaharap sa kasong fraud o pamemeke dahil sa pagbenta niya ng mga bahagi ng katawang may sakit.

 

 

 

Natagpuan sa bodega ni Rathburn ang mga fetus na nakalubog sa likido, kung saan may nakalubog ding tisyu ng utak ng tao.

Hindi pa rin malinaw kung paano nakuha ni Rathburn ang mga fetus at kung ano ang balak niyang gawin dito. Tumanggi ring magbigay ng pahayag ang kaniyang mga abogado.

Ayon kay Bob Goodlatte, isang kongresista at chairman ng House judiciary committee, insulto sa dignidad ang ginawa sa mga fetus.

Kailangan aniyang panagutin ang mga taong pinagkakakitaan ang mga hindi pa naisisilang na bata.

Nagbigay daan ang mga nahanap sa bodega ni Rathburn para umusbong ang panibagong usapin hinggil sa pamamalakad ng mga body brokers o iyong mga taong nagbebenta ng mga bahagi ng katawan.

Karaniwang kinukuha ng mga broker ang mga bangkay na ipinamimigay para pag-aralan sa ngalan ng agham. Pinuputol-puto nila ito at ipinagbebenta ang mga bahagi.

 

Amazing! See What Newly Constructed Highway In China Looks Like (Photos)

 

Kadalasang bumibili sa mga body broker ang mga nag-aaral ng medisina.

Bagaman legal at hindi mahigpit ang pagbabantay sa kalakalan ng mga bangkay, ilegal naman ang pagkalakal ng mga tisyu ng fetus.

Subalit hirap naman matukoy kung pinagkakakitaan ang mga fetus dahil hindi mahigpit na ipinag-uutos ng batas ang regular na pagbisita at pagsuri ng mga awtoridad sa pasilidad ng mga body broker.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x