Philippines Report

Mga kambing patay ng nilapa ng di karaniwang hayop

kambing

Mahigit 30 na mga alagang kambing ang namatay sa bayan ng Sto. Domingo, Ilocos Sur matapos ngatngatin ng aso.

Ayon sa isa sa mga may-ari ng kambing na si Marcelino Tano na taga-barangay Lagatit, Sto. Domingo, wala nang natira mula sa 13 niyang mga alaga matapos mamatay ang siyam dito ang mawala ang apat.

Nakita pa umano kanyang pamangkin ang pag-ngatngat ng aso sa kanilang mga alaga pero hindi na nilapitan pa dahil nakaamba umanong umatake ang aso sa kaniya.

Nanghihinayang naman ang iba pang may-ari ng mga kambing kung kaya’t para hindi malugi ay ibinenta na lamang ang karne sa mas mababang halaga.

Samantala, kinumpirma naman ng provincial veterinarian ng Ilocos Sur na si Dr. Liborio Arca na ligtas kainin ang karne ng mga namatay na kambing pero tanggalin na lamang ang utak ng hayop.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x