Philippines Report

Mga pasaway lang ang isara sa Boracay – Villar

Hindi pabor si Senator Cynthia Villar na isara ang buong Boracay habang isinasagawa ang rehabilitasyon sa loob ng 60 araw at sa halip ay ang mga pasaway na establisimyento lamang umano ang dapat na ikandado.

Nagsagawa na kahapon ng inspeksiyon at imbestigasyon ang limang senador sa pamumuno ni Villar sa isla ng Boracay.

Ayon kay Villar, pabor siyang isara ang mga establisimyentong hindi sumusunod sa batas tungkol sa kalikasan at mga building law katulad noong mga itinayo malapit na sa dagat.

Sinabi ni Villar na hindi naman dapat parusahan ang mga negosyanteng sumusunod naman sa batas.

 

“Okay lang isara ‘yong mga hindi compliant. ‘Yong mga compliant bakit mo naman parurusahan, hindi ba? Parang ang gusto ko, ‘yong mga hindi compliant, iyon lang ang isara,” pahayag ni Villar.

Isang opisyal ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang nakuwestiyon ni Villar tungkol sa kumplikadong sewerage system sa isla.

 

Dugo dadanak pa! ayon kay Digong

 

Napag-alaman na may mga negosyong pinayagang ikonekta ang kanilang sewer pipe sa mga drainages na dapat lamang sa tubig ulan.

Sinabi ni Villar na dapat tinitiyak ng TIEZA na sumusunod ang lahat sa isinasaad ng batas.

Bukod kay Villar, nagtungo rin sa Boracay sina Senators Loren Legarda, Joel Villanueva, Juan Miguel Zubiri at Nancy Binay.

Isinusulong ang pansamantalang pagsasara ng Boracay Island ng 60 araw mula Hunyo 1 hanggang Hulyo 1 ng taong ito matapos magbanta si Pangulong Duterte na tuluyang ipasasara ang isla dahil sa dumi.

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x