Philippines Report

Miss Vietnam, Mala-Cinderella ang buhay naranasang maging kasambahay bago maging beauty queen

Lingid sa kaalaman ng karamihan, masasabing inspiring ang kwento ng tagumpay ni Miss Universe Vietnam H'Hen Niê.

Ayon sa Wikipedia, pangatlo sa anim na magkakapatid si Hhen. bata pa lang ay sanay na siyang magbanat ng buto upang matulungan ang pamilya.

Nagtrabaho siya isang coffee farm sa murang edad. Nalaman ng KAMI na base sa kanilang tradisyon at kultura, maagang nagsisimulang bumuo ng pamilya. Sa edad na 14, pinag-aasawa na sana siya ng kanyang pamilya.

Ngunit, binali niya ang tradisyong ito upang pagtuunan ang kanyang mga pangarap. Iginapang niya ang kanyang pag-aaral. Nang magtapos siya ng high school, naging domestic helper siya ng isang taon upang matustusan ang kayang kolehiyo.

Nang maging intern siya sa isang bangko, doon nabigyan siya ng offer na maging modelo.

At matapos ang kolehiyo, Nadiskubre siya ng isang Vietnamese designer na si Đỗ Mạnh Cường noong 2014.

Dito nagsimula ang kanyang modelling career. Dahil sa kanyang karanasan bilang modelo, sumali siya sa season 6 ng Vietnam's Next Top Model noong 2015 at pinalad na maging isa sa mga finalist.

 

 

 

At nang sumali siya sa Miss Universe Vietnam noong 2017, kapansin-pansin na talaga ang kanyang ganda dahil sa kakaibang kulay niya at buhok na taliwas daw sa karaniwang beauty queen mula sa kanilang bansa.

Siya ang kauna-unahang ‘Rade person' o mula sa ethnic minority na kanilang bansa na mahirang bilang Miss Universe Vietnam.

Kahanga-hanga na agad ang ginawa ni H'Hen dahil sa dinonate niya agad ang kanyang premyo mula sa Miss Universe Vietnam sa scholarship at paaralan ng mga mahihirap sa kanila.

 

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x