Nag-overtake na rider, tigok sa bus

NAGUILIAN, LA UNION – Dead-on-arrival ang isang motorcycle rider sa Naguilian District Hospital (NDH) matapos mabangga ng isang rumaragasang bus sa nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng Naguilian Police Station (NPS) ang biktimang si Roger Manongdo, 26, ng San Cornello, Caba, La Union.

Samantala, nakilala naman ang bus driver na suspek na si Quirino Tacloy Dawal, 43, ng Asin Road, Baguio City.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng dalawang sasakyan (bus at motorsiklo) ang national highway sa bahagi ng Brgy. Bato nang biglang mag-overtake si Dawal at nasagi ang biktima.

Sa lakas ng impact, nagtamo ng malalang sugat sa katawan at ulo si Manobo na nagresulta sa kanyang kamatayan, habang wala namang nasaktan sa mga sakay ng bus.

Sasampahan si Dawal ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide na ngayo’y nakakulong sa NPS detention cell. ALLAN BERGONIA

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *