Philippines Report

Nakatanggap pa rin ng standing ovation sa Miss Universe ang transgender na si Miss Spain sa kanyang privilege walk

Taas noo pa rin at nakakuha ng standing ovation ang kauna-unahang transgender na sumali sa Miss Universe na si Angela Ponce ng bansang Spain.

Bagaman at di na umabot sa top 20 ng prestihiyosong patimpalak, binigyan naman si Angela ng privilege walk bilang pinaka-unang transgender na lumahok sa Miss U.

Ayon pa sa GMA news, nasabi ni Angela na sapat na nakapasok siya sa patimpalak kahit pa di na ito umarangkada pataas sa pagsungkit ng korona bilang 2018 Miss Universe.

“I don’t need to win Miss Universe. I just need to be here,” pahayag ni Angela.

 

Sa kanyang privilege walk, inalis niya ang kanyang sash kung saan nakasulat ang kinakatawan niyang bansa at itinaas ito bilang simbolo ng tagumpay na kanya pa ring nadarama sa kompetisyon.

 

Kasabay nito ang pagpapakita ng video recognition para kay Angela na nagpapatunay na mayroong equality sa nasabing patimpalak.

Maaalalang umani ng iba't ibang pambabatikos ang pagpasok ni Angela sa Miss Universe ngunit nangibabaw pa rin ang pagbibigay ng oprtunidad sa mga kagaya niyang transgender.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x