Philippines Report

Chairwoman Name-Dropper

Sa pagpapaliban ng barangay at sk na halalan, maraming opisyal ng barangay ang natuwa sapagkat may pagkakataon pa silang mangampanya at gumawa ng proyekto na pwedeng ikabuti at pagkakitaan nila.

Sa Maynila, ilang barangay chairman or chairwoman ang ginagamit ang kanilang pwesto sa kanilang negosyo at madalas gamitin ang salitang malapit sila kung kani-kaninong politiko, lalo kay Manila Mayor Joseph Estrada.

barangay

Pero ang totoo, ipinagkanulo nila ang alkalde noong halalan sapagkat hindi naman nila ipinangampanya ito. Ngayon, may lakas sila ng loob na sabihing tao sila ng “ama ng lungsod?”

Halimbawa rito ang isang Chairwoman mula sa District 3 na walang ginawa kung hindi mag-name drop. Malakas daw siya kay Mayor Erap dahil sinuportahan daw niya ito noong halalan at ilang tauhan umano ni Mayor ang nagdala na sa kanya sa tanggapan nito.

Ipinagyayabang din ng Chairwoman na tao siya ni Technical Education and Skills Development Authority Director General Guiling Mamondiong kaya madalas na ipatawag siya nito sa mga meeting sa Greenhillls. Kaso, ang pinagyayabangan niya ay may koneksyon din sa TESDA kaya buking siya na nasa Davao City si TESDA DG nang ipagyabang niya na ipinatatawag siya nito.

May mga proyekto raw ang TESDA na ipinagbibigay alam sa kanya upang siya ang maghanap ng mga kailangan. Naman! Chairwoman, kulang na lang na sabihin mong malakas ka kay Digong.

Pero may malaking sikreto itong si Chairwoman na dapat mabuking ng kanyang mga ipinagyayabang na opisyal ng pamahalaan – ang kanyang mga kalaban sa negosyo: ang mga Indian na nagpapahulugan o 5-6 sa Blumentritt. Naku, si Chairwoman ay isang loan shark o usurera?

Sabi ng ilang kliyente niya, nakatutulong ang kanilang opisyal ng barangay sa kanilang pangangailangan dahil natatakbuhan nila ito sa oras ng pangangailangan pero para sa iba, pinagsasamantalahan ni Chairwoman ang kanilang kawalan.

Source: Remate

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x