Philippines Report

Nilinaw ni Arroyo kung ano ang sinasabi sa kumalat na larawan

Nilinaw ng bagong House speaker na si Gloria Macapagal-Arroyo ang kaniyang sinasabi sa retratong kumalat nitong Lunes, Hulyo 23, makaraang mailuklok siya bilang bagong lider ng mababang kapulungan.

Sabi ni Arroyo, nagpapasalamat siya sa mga kasamahang naglagay sa kaniya sa puwesto.

“I'm very grateful to my colleagues for their trust and confidence in electing me speaker. I view my role as speaker with having a primary specific objective, that is, to carry out the legislative agenda of President Rodrigo Roa Duterte. And that means for today, we must get the Bangsamoro Organic Law ratified,” anang kongresista.

Kumalat kasi sa social media ang larawan niya habang nasa rostrum at mistulang sumisigaw dahil pinatayan ng mikropono.

 

May ilang netizen na nagsabing baka sinisigaw ni Arroyo ang kadalasang bati sa “It's Showtime” na “what's up, madlang pipol?” o kaya nama'y ang pagsasabi ni Arroyo ng size ng kaniyang paa.

Maaari rin daw nag-aala “Shan Cai” ang dating pangulo at tinatawag si “Dao Ming Si” o ang mga karakter sa “Meteor Garden.”

Ikinumpara rin ang larawan sa painting na “The Scream.”

Bago magtungo sa Batasan Pambansa, nagtipon muna ang dating pangulo at ilang kongresista sa bahay ni Arroyo sa La Vista, Quezon City.

 

Pinag-usapan ng super majority ang pagsalin ng kapangyarihan ng House speaker.

Bumuo rin ng transition team na kakausap sa kampo ng napatalsik na speaker na si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez.

Sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara nitong Martes, niratipikahan ng bicameral conference committee report ang Bangsamoro Organic Law para mapapirmahan na kay Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Ayon sa mga kakampi ni Arroyo, natuloy sana ang ratipikasyon ng BOL noong Lunes kung hindi hinarang ng dating liderato ang palitan.

Maaga raw nalaman ng kampo ni Alvarez na wala na silang numero.

 

Pero habang nasa tahanan ni Arroyo, nakuhanan sa isang larawan sina Arroyo at House Deputy Speaker Gwen Garcia na nag-akapan.

Si Garcia ang biglang nag-adjourn sa sesyon ng Kamara nitong Lunes kaya nagsesyon ang mga kongresista kahit nakapatay ang mikropono at wala ang House mace na simbolo ng sesyon.

Bukod sa agenda ng pangulo, tiniyak ni Arroyo na aalagaan niya ang mga constituent ng mga kongresista.

“I am very glad that soon we will have an end to politicking… so that we can attend to the calamities of the various districts,” anang dating pangulo.

BASBAS NI INDAY?

Bagong laya pa lang si Arroyo, umugong na ang balitang ipapalit siya kay Alvarez.

Nitong bago mag-State of the Nation Address (SONA), mismong si Davao City Mayor Sara Duterte at mga kakampi niya umano ang nagtatawag sa mga kongresista para sabihin na kay Arroyo sila bilang speaker.

“We think the role was very vital in the turn of events… because heads of political parties would not support Speaker Arroyo, unless… they know that the president has something to do with it,” sabi ni Capiz Rep. Fredenil Castro sa panayam ng “Headstart” ng ANC.

Noon lamang Pebrero nang bumanat si Sara Duterte laban kay Alvarez.

Pero pinili ni Alvarez na “sumuko” at hindi balikan ang mga birada ng alkalde.

 

 

 

No comment' si Sara Duterte sa naging papel sa pagpapalit ng liderato sa Kamara.

Binati niya naman si Arroyo at tinawag na isang malakas na lider.

“Congratulations to SPGMA. A strong leader,” pahayag ni Sara Duterte.

Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, mistulang tanggap na ng kampo ni Alvarez ang nangyari lalo't lumabas na ang supporters ni Arroyo.

“Everything has already dawned on them, on him. Nandoon na ‘yung realization of the reality that GMA has the numbers,” ani Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

 

Babaeng Nanalo umano ng 650,000, tinuruan ng leksyon ang scammer

 

 

Inaasahang pipili ng bagong majority leader ang mayorya para palitan si Ilocos Norte Rep. Rodolfo Fariñas.

Ayon kay Camarines Rep. Rolando Andaya, bilin ni Arroyo ay status quo muna sa mga committee chairmanship para di magulo ang Kamara maliban na lang sa ilang puwesto na positions of trust.

 ABS-CBN News

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x