Philippines Report

Pacquiao sumablay sa pakikipagsiklab sa media

Nabansagan na Pambansang Clown si Senador Manny Pacquiao dahil sa mga kapalpakan sa debate at diskusyon sa committee hearing subalit pati na sa pagpapasiklab sa media, sumablay pa rin ang tinaguriang Pambansang Kamao.

Muntik na kasing malipasan ng gutom ang ilang mamamaha­yag sa Senado matapos ang aberya sa libreng pananghalian ni Pacquiao.

Ayon sa isang source, maaga pa lamang ay inilatag na ang mga mesa sa isang kuwarto sa Senado matapos sagutin ni Pacquiao ang pagpapakain sa mga miyembro ng media nitong Miyerkoles.

 

Read more: Tingnan ang kakaibang pet ni nanay

 

Kumpleto na nga raw ang mga pinggan, kutsara at kubyertos, pati na ang mga nakahilerang stainless food warmer.

Subalit dumating na ang alas-12:00 ng tanghali, pero hindi pa rin dumadating ang pagkain na niluto ng caterer.

Naipit daw kasi sa matinding trapik kaya’t hindi agad nakarating sa Senado ang inorder na pagkain.

Muntik na nga raw maging meryenda ang pakain ng figh­ting sena­tor dahil ala-una na ito dumating kung saan kumakalam na ang tiyan ng ilang mamamahayag.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginutom ni Pacquiao ang kanyang bisita dahil noong congressman pa lang ito ay nag imbita ito sa isang sikat na casino resort sa Pasay City subalit pagdating ng mga bisita ay hindi agad napakain, bagkus ay binigyan na lamang ng packed lunch.

 

http://philippinesreport.com/april-26-na-simula-ng-boracay-closure-panukala-pa-lang/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x