Philippines Report

Pinagbantaan nga ba ng mga pulis ang mga botante sa Obando?

OBANDO, Bulacan – Isinumbong ng ilang residente sa bayan ng Obando Bulacan na pinagbantaan umano sila ng ilang pulis para iboto ang isang kandidato para sa kapitan ngayong Lunes.

Kuwento ng 2 babae sa Sitio San Lorenzo, Barangay Panghulo, pasado alas-9 Sabado ng gabi dumating sa lugar ang 3 lalaking naka-uniporme at 3 naka-sibilyan na may mga baril at nagpakilalang mga pulis.

Kabilang anila sa grupo ang bagong-talagang officer-in-charge ng Obando police na si Chief Insp. Leopoldo Estorque Jr.

Tinanong umano ng mga lalaki ang ilang residente kung sino ang iboboto nilang kapitan sa Barangay at Sanggunian Kabataan elections.

Inendorso rin umano ng grupo ang kandidatong si Delfin Vetus at nagbantang: “Kapag hindi ‘yan ang nanalo, dadanak ang dugo rito.”

Walang naipakitang video ang mga testigo sa umano'y pagbabanta, bukod sa palihim na kuha sa 2 lalaking naka-civilian attire na umano'y pulis at kasama sa grupo.

Itinanggi naman ni Vetus, isa sa 4 na kandidato ng pagka-kapitan, na may kinalaman siya sa insidente.

Posible aniyang ginawang issue lang ito ng mga kalaban niya sa pulitika dahil nakita umano ng mga ito na nangunguna siya sa mga kandidato.

Pinabulaanan din ni Estorque ang umano'y pagbabanta. Aniya, nag-ikot lang ang mga pulis para ipatupad ang liquor ban at maiwasan ang gulo sa eleksyon.

Malabo rin aniyang may kampihan siyang kandidato dahil kalilipat lang niya sa Obando noong nakaraang linggo.

Tahimik namang nagsimula ang eleksyon sa 11 barangay ng Obando ngayong Lunes.

Nitong Linggo pa ipinadala ang mga election paraphernalia sa mga barangay ng Binuangan at Salambao na nasa baybayin at mapupuntahan lang sakay ng bangka.

 

http://philippinesreport.com/maagang-dumayo-sa-mga-presinto-ang-mga-botante-sa-boracay/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response