Hindi inaasahan ng mag-asawang si Eunice at Roberto Bamba na sa bangka isisilang ang kanilang anak.

Kwento nila, Hulyo 11 ng gabi nang pumutok ang panubigan ni Eunice.

Sakay ng bangka, bumiyahe mula Barangay Sebitanan sa Sasmuan, Pampanga ang mag-asawa kasama ang biyenan.

Hindi na nakayanan ni Eunice pa ang tagal ng biyahe na umabot na ng halos 1 oras at napaanak na sa bangka.

Agad naman na humingi ng tulong ang mag-asawa sa mga pulis pagdating sa pampang.

Kahit na hindi naka-duty, agad rumesponde si PO1 Mark Israel Luzano na nagtapos rin pala ng kursong Nursing.

“Medyo nakakakaba. After 5 years saka ko na naman siya nagamit, yung knowledge ko about sa nursing sa pagpapaanak ng bata, nakaka fulfilling po…Nakakasaya din po na nakakatulong sa ating mga kababayan sa Sasmuan,” ani Luzano.

Nakasalo ang sanggol sa pajama ng ina at nakapulupot ang umbilical cord ng bata sa kaniyang leeg habang puno ng dugo si Eunice.

Binigyan ng first aid treatment ng pulis ang mag-ina tsaka na isinugod sa ospital.

Dahil sa insidente, bibigyan ng parangal ng lokal na pamahalaan ng Sasmuan si Luzano dahil sa kabutihang loob na ipinakita kahit labas na sa oras ng trabaho.

News Source: ABS-CBN NEWS


x

Related Posts

War-shut MSU Marawi ready for opening on August 22 —military
KIDAPAWAN CITY —After nearly three months of temporary closure due to the battle between government troops and the pro-ISIS Maute terror group, t...
Trillanes to ask for Gordon's removal as Senate blue ribbon chair
Opposition Senator Antonio Trillanes IV on Saturday said he is planning to ask his fellow senators next week to remove Senator Richard Gordon as ...
Students in Quezon City 'food poisoning' incident blame choco shake
Some of the students who were rushed to hospitals in Novaliches in Quezon City after experiencing symptoms of food poisoning blamed the choco sha...
powered by RelatedPosts

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x