Philippines Report

Rider kritikal matapos bumangga sa construction debris sa Antipolo

Cycle Rider

Kritikal ang isang motorcycle rider matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa tumpok ng mga construction debris sa lungsod ng Antipolo, Miyerkoles.

 

Cycle Rider

Hindi umano napansin ni Albert Go Jr. ang tumpok ng debris mula sa tinitibag na kalsada sa may Masinag-Soliven area kaya siya bumangga at tumilapon nang ilang metro, ayon sa mga awtoridad.

Sa paunang imbestigasyon, lumalabas na walang harang ang tumpok ng debris at kulang rin umano ang ilaw para mabalaan ang mga motorista na dadaan doon.

Isinugod agad sa ospital si Go na basag ang bungo at ngayon ay agaw-buhay ang kondisyon. Halos 3 hanggang 4 na litro din ng dugo ang nawala sa lalaki, ayon sa mga awtoridad.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x