Philippines Report

Russian plane nagpaulan ng 172 gold bars sa runway

Kumalat sa runway sa Yakutsk ang mga gold bar matapos aksidenteng lumipad nang nakabukas ang pinto ng isang Russian plane.

Ayon sa Russian news reports, isang kargamento ng may 9.3 tonelada ng pinakamamahal na metal ang tumilapon ang ilang laman sa runway dahil hindi umano maayos ang pagkaka-secure nito.

Ang sira umano sa door handle ng eroplano ang rason kung bakit bumukas habang papalipad ang Soviet-designed An-12 plane sa Krasnoyarsk, na may kargang cargo mula sa mining company.

 

Narekober ng mga awtoridad ang 172 gold bars na may bigat na 3.4 tonelada.

Wala namang nasaktan sa insidente.

Bunga nito ay nag-emergency landing ang eroplano, na ino-operate ng transport company na Nimbus, sa Magan.

 

http://philippinesreport.com/least-6-dead-bulacan-plane-crash/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x