Philippines Report

Sa kabila ng Depormedad nitong Itsura, Pinakasalan pa rin siya ng 23 Anyos Na Babae

Sa kabila ng Depormedad nitong Itsura, Pinakasalan pa rin siya ng 23 Anyos Na Babae

Ang tunay na pagibig ay walang pinipili, mataba ka man o payat, maganda o pangit, mahirap o mayaman, lahat ay pantay pantay basta tunay na pagibig ang nangibabaw sa puso ng dalawang magkasintahan.

Isa si Boonmee Khantong at Phatsara Obnak sa nagpatunay na ang pagibig ay walang pinipiling itsura.

 

 

Ang mag-asawang sila Boonmee Khanthong 37 anyos na taon gulang at si Phatsara Obnak 23 taong gulang ay ikinasal kahit pa naging maraming tutol sa kanilang pag mamahalan dahil narin sa hindi magandang pisikal na anyo ni Boonmee.

Ayon sa isang Thai News Agency ang dalawa ay ikinasal sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na ginanap sa kanilang barangay sa may northeaster Surin Province, Thailand.

Ayon sa isang pahayag kay Boonmie na bata palang siya ng dumanas sya sa isang sakit na tinatawag na broken capillaries dahilan ng pagkasira ng kanyang muka.

Sinubukan nilang magpagamot sa isang hospital sa siyudad ng bangkok ng ilang ulit pero wala umanong nangyari dahil hindi din tuloy tuloy ang naging pagpapagamot niya dahil kulang ang kanilang pera upang mapunan ang pag-papagamot niya.

Hindi din nakayanan ng kanyang pamilya na suportahan ang kanilang paninirahan sa siyudad dahil sa sobrang mahal ng mga bilihin at problema narin nila ang matitirhan, kaya nag desisyon nalang sila na bumalik nalang sa kanilang probinsya at itigil na ang pag papagamot.

 

 

Si Boonmee ay tumigil sa pagaaral at nakapagtapos lang ng grade 5, nakahanap siya ng trabaho sa isang factory pero tumigil din ito dahil hirap makapagsalita.

Pero sa kabutihang palad nakahanap ulit si Boonmee ng trabaho sa tulong ni Mr. Virat Saothong, 35 anyos na taon gulang isang contractor sa Bangkok at isa sa malapit niyang kaibigan.

Kapag bakante at walang trabaho si Boonmee madalas itong pumupunta sa Yai City para tulongan ang kanyang kapatid na babae na magbenta ng papaya salad, duon na nagkakilala at nagkaibigan si Boonmee at Phatsara na nauwi sa kasalan.

Ayon sa napakagandang si Phatsara na mahal na mahal niya ang kanyang asawa dahil sobra daw itong masipag at maalaga sakanya at sa anak nito sa unang asawa.

Talaga nga namang pag tunay na pag-ibig na ang nangibabaw wala ng makakapigil dito kahit sino man.

 

Source: pixelatedplanet.net

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x