Philippines Report

Senator Pacquiao magko-coach nga ba uli sa PBA?

Mukhang magbabalik bilang PBA head coach si Senador Manny Pacquiao.

Kausap na raw ng world champion boxer ang management ng Blackwater para sa posibilidad na maging bahagi si Pacquiao ng koponan.

Si Leo Isaac ang kasalukuyang head coach ng Blackwater ngunit, ayon sa report ni Richard Dy na lumabas sa website ng Fox Sports Philippines, hindi raw ito magiging prublema wika ng team owner na si Dioceldo Sy.

Sa panayam ni Dy kay Sy, aminado ang Blackwater boss na hindi hands on sa pagko-coach ni Pacquiao. Bukod pa rito, kasama siya sa pag-o-organisa ng bagong liga, ang Maharlika Pilipinas Basketball League.

Pero pahayag ni Sy, marami pang pwedeng i-contribute si Pacquiao sa team tulad ng pagbibigay ng conditioning tips at inspirasyon sa mga players.

Dagdag ni Sy, wala rin namang conflict of interest kung kukunin nilang coach si Pacquiao dahil ang grassroots ang focus ng MPBL na magbubukas sa ika-23 ng Setyembre.

Nagsilbing playing coach si Pacquiao sa Kia.

News Source: ABS-CBN NEWS

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x