Philippines Report

Shabu kapalit ng sex sa mga bata

philippinesreport December 28, 2017 Headlines No Comments on Shabu kapalit ng sex sa mga bata

Timbog sa buy-bust operation ng mga pulis ang isang Koreano at isang Filipino sa Quezon City na bukod sa pagtutulak ng shabu ay ginagamit din diumano ang iligal na droga bilang kapalit ng pakikipagtalik sa mga adik na batang babae.

Kamakalawa ng gabi naaresto sa isina­gawang operasyon ng mga tauhan ng Batasan Police Station 6 sa Old Balara, Quezon City ang mga suspek na kinilalang sina Jeon Taek Sang, 45-anyos, nakatira sa Eleganza Appartelle sa Minda­nao Avenue ng natu­rang lungsod at Bobby Ortalla, 30-­anyos, taga-Upper Nawasa Republic sa Quezon City din.

Base sa ulat ng tanggapan ni Supt. Rossel Cejas, hepe ng Batasan Police Station 6, isang impormante ang nagbigay ng tip sa kanila na itinuro ang pinaglulunggaan ng dalawang suspek sa Villa Beatriz sa Old Balara kaya ikinasa nila ang buy-bust ope­ration.

 

Mga fetus, nakuha sa bodega ng lalaking nagbenta ng bangkay

 

Kumagat sa patibong ng mga pulis ang dalawang suspek at nasorpresa na lamang nang bigla silang ares­tuhin ng mga awtoridad.

Nasamsam sa kanila ang may P100,000 hala­ga ng shabu, mga paraphernalia at perang galing sa pagbebenta ng iligal na droga.

Nabatid pa na modus operandi umano ng dalawa na pagagamitin ng libreng shabu ang mga umano’y alam nilang mga adik na batang babae kapalit ng panandaliang aliw sa mumurahing motel sa lugar.

Sila rin umano ang pinanggagalingan ng shabu sa bisinidad ng Villa Beatriz at maging sa Barangay Payatas kung saan sa kanila rin kumukuha ng iligal na droga ang mga dumadayong drug user.

Ikinulong ang dalawa sa detention cell ng Batasan Police Station 6 matapos sampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa Quezon City Prosecutors Office.

Amazing! See What Newly Constructed Highway In China Looks Like (Photos)

 

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x