Philippines Report

Si Tina ang Balyenang Selosa, Nagagalit at Nagsusungit Kapag May Lumapit na Ibang Babae sa Kanyang Zookeeper

Tina ang Balyenang Selosa: Nakakaaliw panoorin ang mga balyena sa zoo.

Nakikipag-usap sila sa kanilang mga amo sa paraang maiintindihan nila. Mahilig silang maglaro at sanay silang magtanghal sa harap ng napakaraming tao. Palakaibigan ang mga balyena. Ngunit ibahin natin si Tina, isang balyena na matatagpuan sa South Korea.

 

 

 

Ano nga ba ang meron si Tina na wala ang ibang balyena?

Si Tina ay tipikal na balyena maliban sa isang bagay– siya ay in-love sa kanyang amo!

Ito ang swerteng lalaking bumihag sa puso ng balyena. Siya ang pinakapaborito at nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ni Tina sa zoo.

 

 

 

Marami ang humihiling ng halik mula kay Tina subalit hindi niya ito pinagbibigyan maliban na lamang sa kanyang tagapag-alaga.

Magpapakitang gilas lamang si Tina sa harap ng maraming tao kung ang tagapag-alaga niya ang mag-uutos sa kanya. Agad naman niya itong gagawin at susundin ang pinapagawa ng amo.

Dedma kay Tina ang ibang mga tauhan sa zoo kahit na pakisamahan nila ito at bigyan ng maraming pagkain. Ang kanyang amo lamang ang gusto niyang makausap at pakisamahan.

 

Bakit nga ba selosa si Tina?

Ayon sa kanyang tagapag-alaga, noong una pa lamang siyang dumating sa zoo ay nahirapan na itong makisalamuha sa mga tao at mag-adapt sa bagong paligid. Hanggang sa unti-unting natutuhan ni Tina na maging komportable sa zoo sa tulong ng kanyang matiyagang tagapag-alaga.

 

Ang atensyon at pag-aalagang ibinibigay ng kanyang amo ay marahil ang rason kung bakit pakiramdam niya ay mas ligtas siya sa piling nito. Ito din marahil ang rason kung bakit mas gusto siya ni Tina kumpara sa ibang tauhan sa zoo.

Subalit, may malalim na rason kung bakit ganoon na lamang kung ituring ni Tina ang kanyang amo. Ano sa palagay mo?

Panoorin ang video ni Tina at ang kanyang tagapag-alaga upang mas lubos na maunawaan.

Narito at panoorin ninyo si Tina:

 

source: goodtimes

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x