Philippines Report

Suporta sa pagbalik ng bitay, hindi solido

HINDI solido ang suporta ng mga Pilipino sa panukalang ibalik ang parusang bitay.

Reaksyon ito ni BUHAY Party-list Rep. Lito Atienza sa online survey ng Malaking Kapulungan ng Kongreso kung saan 50 porsyento ng mga lumahok ay pabor sa death penalty samantalang 48 porsyento ay tutol naman at dalawang porsyento ang undecided.

“The ratings imply that the reinstatement of the death penalty is a highly discordant matter best deferred by Congress,” ani Atienza.

Aniya, ang hangad ng maraming Pilipino ay hustisya at hindi kamatayan na maaari lamang maisakatuparan kapag naipatupad ang komprehensibong reporma sa batas at judiciary.

Nakakadismaya aniya ang malawakang korapsyon sa sistema ng hustisya sa Pilipinas na siyang sanhi aniya ng galit ng mga Pilipino.

“Many citizens still do not report crime victimizations simply because they do not have confidence in our justice system. And the primary reason for this lack of public trust is corruption, which we have to eradicate first.”

Tinukoy din ng kongresista ang mga maraming subdivision at homeowners na nagdududa pa sa ipinatutupad na Oplan Tokhang sa takot na mataniman sila ng mga ebidensya.

 

Remate

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

Pin It on Pinterest

Shares
Share This

Share This

Share this post with your friends!

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x