Philippines Report

Tanaueño kay Duterte: Kung pwedeng bawiin ang boto ko sa’yo, antimano ginawa ko na!

Nawalan na ng tiwala ang mga mamamayan ng Tanauan, Batangas kay President Rodrigo Duterte dahil sa mga pahayag nito laban sa pinaslang na alkalde na si Antonio Halili.

Noong Halalan 2016, nanguna at nakakuha ng mahigit 26,000 na mga boto si Duterte sa lungsod. Subalit, nag-iba na ang ihip ng hangin kasunod ng pagkakapaslang kay Halili.

Nagsisisi ang mga Tanaueño sa pagboto kay Duterte. Ang akala nilang kakampi ni Halili, ay siya rin palang kalaban at sisira sa magandang imahe ng kanilang ama ng bayan.

Hindi naitago ni Elma Coronado ang kanyang pagkadismaya kay Duterte. Ayon sa kanya, kung pwede lang bawiin ang boto niya kay Duterte, agad-agad ay gagawin niya ito.

“Noon akala ko malaki magagawa mo kaya binoto kita, akala ko kakampi ka may pagpunta ka pa ng Tanauan. ‘Yon pala ikaw hindi totoo pati mayor namin sisiraan mo palibhasa di na makakaimik, di na kayang ipagtanggol ang sarili,” ani Coronado.

“Ginagawa mong iyan kung pwedeng bawiin ko ang boto ko, antimano ginawa ko na,” dagdag pa ni Coronado.

 

 

Nagpakita rin ng sama ng loob ang iba pang mga Tanaueño kay Duterte.

Itinuturing ni Suzzane Chan na manlilinlang at duwag si Duterte, at iginiit na nasayang lang ang boto ng mga taga-Tanauan sa kanya.

“Mga kapwa ko Tanaueños wag na po tayo aasa pa matutulungan tayo ng ating Presidente na mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ating Mahal na Mayor. Tayo na mismo mga Tanaueños ang magpursige, at wag tumigil para makamtan ang hustisya,” ani Chan.

 

 

 

Para naman kay Princess Apacible, kung mayroon lang time machine ay hindi niya iboboto si Duterte para lang mabalik sa kanila si Halili.

“Sana may time travel machine para maibalik namin ang aming mahal na Mayor Thony Halili at hindi namin binoto si Duterte maging presidente!” ani Apacible.

 

 

http://philippinesreport.com/god-walks-across-sky-footage-captures/

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x