Philippines Report

Tatlong drug suspects, napatay sa unang 100 araw ng war on drugs sa ilalim ng PDEA

Ayon kay PDEA Chief Aaron Aquino, nakapagsagawa na ang ahensya ng higit tatlong libong operasyon sa kanilang unang 100 araw sa kampanya kontra iligal na droga.

Higit 300 din ang ginawang high-value target operations ng ahensya.

Hindi bababa sa 1,500 ang naarestong drug suspects habang tatlo ang napatay.

Pagmamalaki ni Aquino, napatunayan nilang nanlaban talaga ang mga napatay na drug personalities.

Masusi raw itong naimbestigahan dahil sa case build-up pa lang hanggang sa monitoring sa mga kaso ay kasama na nila ang media.

 

Bashers kay Toni: Suplada, simangutera…wala namang ganda!

 

Nakatulong din daw sa transparency ng mga operasyon ang paggamit ng body cameras.

Nagpaplano ang PDEA na mag-recruit ng 1,395 na ahente ngayong taon.

Nilinaw naman ni Aquino na bagama’t maaaring magsagawa ng anti-illegal drug operations ang iba pang law enforcement agencies, kailangan nilang makipag-ugnayan sa PDEA.

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x