Philippines Report

Temperatura sa Sangley Point sa Cavite, papalo sa 41 degrees C

Nagbabala ang PAGASA sa posibilidad ng heat stroke sa Sangley Point, Cavite dahil inaasahang aabot sa 41.3 degrees Celsius ang temperatura sa lugar sa Linggo.

Ayon sa Heat Index Forecast ng PAGASA, ang temperaturang ito ay nasa “danger” zone na.

Maaaring makaranas ng “heat cramps, heat exhaustion at heat stroke” ang mga tao na nasa mga lugar sa ilalim ng danger zone, sabi ng PAGASA sa kanilang website.

Umabot sa 47.7 degrees Celsius ang temperatura sa Sangley Point noong Abril 22.

Nagpayo ang PAGASA na sundin ang mga sumusunod upang makaiwas sa heat stroke:

– Sumilong at huwag magbabad sa ilalim ng araw.

– Magsuot ng mga preskong damit. Ang mga mapupusyaw na damit ay mas presko sa katawan dahil nare-reflect nito ang init mula sa araw.

– Uminom ng maraming tubig.

– Umiwas sa pag-inom ng alak dahil nakaka-dehydrate ang mga inuming nakalalasing.

– Umiwas sa mga pagkain na mataas sa protina dahil nakapagpapataas ito ng metabolic heat ng katawan.

 

Taiwan: Gawing ‘permanent resident' ang dayuhang manggagawa

 

 

(ABS CBN)

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x