Philippines Report

Tricycle at pedicab sa SoCot ipagbabawal na sa national highway

KORONADAL CITY – NAGPALABAS na ng memorandum si South Cotabato Governor Daisy Avance-Fuentes na nag-uutos sa mga alkalde ng lalawigan ng South Cotabato na ipagbawal na ang mga tricycles sa national highway.

Ang nasabing direktiba ay mula mismo sa Department of Interior and Local Government (DILG) kung saan layunin nito na maiwasan ang anumang aksidente para sa kaligtasan rin ng lahat.

Sa interview ng Brigada News FM Koronadal kay Fuentes, inihayag nito na matagal na ang nasabing batas na ipinatutupad na sa ibang lugar sa Mindanao.

 

 

Hiling ngayon ng gobernadora na magsagawa ng dialogo ang mga alkalde sa pagitan ng mga tricycle drivers, mga pulis at traffic management upang malaman kung paano ito maipapatupad at malaman ng national goverment ang sitwasyon ng mga bayan sa South Cotabato lalo na't karamihan sa mga saksakyan sa lugar ay mga tricycle.

 

PH’s oldest ALS passer is from Guimaras Iloilo

 

 

Ayon kay Fuentes na ayaw lang nito na makasuhan ang sinuman na alkalde sa South Cotabato sa oras na malaman ng central office na hindi nila ipinatutupad ang nasabing batas dahil ito ay kanilang administrative at criminal liability kung may maaksidente sa national highway.

Umaasa si Fuentes na agad itong maaksyonan ng mga alkalde at makapag-isip ng mga alternatibong ruta para sa mga pedicab at tricycle.

Source: Brigada News Philippines

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x