Philippines Report

‘Wag condom, ‘di masarap’: Duterte, hinikayat ang mga Pinoy na gumamit ng pills

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Pilipino na gumamit ng libreng contraceptive pills mula sa gobyerno.

“May pills libre. ‘Wag ‘yang condom kasi hindi masarap ‘yang condom. Hindi, totoo. Hindi ako nagpapatawa,” sabi ng Pangulo nitong Martes sa isang talumpati kaugnay ng pagbabalik ng overseas Filipino workers mula Kuwait.

“Ako, I'm just telling you that is why… biology. Alam ko ayaw ninyo ng condom so either magpa-injection kayo good for six months. Bahala ka kung ano.”

Iniugnay ni Duterte ang paghihirap ng bansa dahil sa lumulobong populasyon na mahigit 100 milyon na.

“Aging because they do not want to add to their population. Eh ang Pilipino, walang alam ‘yan basta—110 million kaya mahirap ang buhay,” aniya.

 

Ito na ang pinakamahinang antas ng piso sa loob ng halos 12 taon

 

“Kasi kung sana na medyo 50 million lang tayo, ma-manage natin ‘yung pagkain. Enough for all, tapos may trabaho. Kasi kung 50 million lang… Pero kaya naman alam ko. Sumunod na lang. Hindi ako nagpapatawa, sumunod na lang kayo sa programa ng gobyerno,” dagdag niya.

Nagpamahagi muli ng contraceptives ang Department of Health matapos i-certify ng Food and Drugs Administration na non-abortifacient or hindi pampalaglag ng sanggol ang 51 na contraceptive.

 

Ito'y matapos maghain ng temporary restraining order ang Korte Suprema laban sa mga abortifacient na contraceptives noong 2015. – ABSCBN-

Related Articles:

If you enjoyed this article FEEL Free to TIP Philippines Report:


Any Amount Welcome 🙂


Dash: XmARRjJ9y2zUUgiPWPMrjviWWCvpuogwKd


Dogecoin: D5vAJ9ydfsNX1VE6e93Wh16gmUfVSUSKQq


Bitcoin: 1BJbBAvdNHcZPZBnaFpyExUmAD9H1crosU


Litecoin: LXfkhyMe8gxdENyUc7Y5itHzFqr67F96nW


Ethereum: 0x60454606e1f66C09e4fD7977b844718b683B2836

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x