1 tigok, 3 sugatan sa Pasig fire

TIGOK ang isa at tatlo ang sugatan sa sunog na naganap sa tatlong palapag na bahay sa Lot 21, Blk. 5, Joshua St., Bliss, Sta. Lucia, Pasig City.

Kinilala ni S/F Insp. Anthony Arroyo, ng Pasig Fire Department, ang namatay na si Anselmo Tamayo, 50.

Habang sugatan naman ang asawa ng biktima na si Cynthia Tamayo, 52, at anak nilang si Janine, 18.

Kapwa nakalanghap umano ng usok ang mag-ina at nahirapang huminga kaya dinala sa Mission Hospital.

Sugatan din ang fire volunteer mula sa Maybunga Pasig na si Ian Saber, 28, matapos mahulog sa ikalawang palapag ng nasusunog na bahay.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog sa bahay ni Adoracion Journales na nagsimula alas-4:20 ng umaga at naideklarang fireout alas-5:51 ng umaga.

Tinatayang P4.5-milyon ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog. JOHNNY ARASGA

Remate


Posted

in

by

Tags:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *