Philippines Report

1,000 miyembro ng Kapa Ministry nanawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipasara ang grupo nila

KAPA Ministry

 Tinatayang nasa 1,000 miyembro ng Kapa Ministry ang nakilahok sa isang prayer rally dito sa lungsod upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag ipasara ang kanilang grupo.

Nagtipon-tipon ang mga miyembro ng Kapa sa Sports Complex sa Barangay Calumpang bitbit ang mga placard at poster na naglalayong kumbinsihin ang pamahalaan na hindi sangkot ang grupo sa ilegal na gawain.

“Malaki ang naitulong ng Kapa. Nabayaran ko ang utang namin, nakakain kami ng 3 beses sa isang araw ng masarap na pagkain” sabi ni Violeta Capitle, isang miyembro mula sa Iloilo Ministry chapter ng Kapa.

Bago ang prayer rally ay pinabulaanan na ng mga lider ng Kapa ang alegasyon ni Duterte na ang naturang grupo ay sangkot sa isang investment scam.

Inaasahang aabot hanggang gabi ang grand prayer rally at sa Biyernes ay lilipat sa Oval Plaza ang mga miyembro ng grupo para sa isa pang grand prayer rally.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x