Philippines Report

2 sundalo, 11 iba pa sugatan sa pagsabog sa Isulan

2 sundalo, 11 iba pa sugatan sa pagsabog sa Isulan

 

ISULAN, SULTAN KUDARAT- DALAWANG sundalo at 11 iba pa ang sugatan sa pagsabog ng improvised explosive device alas-8:34 ngayong gabi sa Barangay Kalawag 3 nitong bayan.

 

 

Sa interview ng Brigada News FM Korondal kay PSSupt. Noel Kinazo, provincial director ng Sultan Kudarat Provincial Police Office (SKPPO) na sa natanggap nitong report, nasa 13 ang mga sugatan ng pagsabog kung saan inilagay sa isang motorsiklo ang nasabing IED na inilagay sa harap ng J&H marketing.

 

 

Marami ang nasugatan dahil na rin sa ipinagdiriwang na 61st Founding Anniversary at 7th Hamungaya Festival ng nasabing bayan.

 

 

Sa ngayon patuloy ang monitoring ng mga otoridad sa kabuoang bilang ng mga nasugatan sa insidente.

PHOTO CREDIT : Peter Evangelista

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

2 Comments

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x