Philippines Report

4-BUWANG GULANG NA SANGGOL NI-RAPE NG 6 NA KALALAKIHAN SA CEBU

Isang apat na buwang sanggol ang pinagsamantalahan ng anim na kalalakihan sa Carcar City, Cebu.

Ayon sa PO3 Camia Codo ng Carcar Police, kinuha ang sanggol noong Miyerkoles ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang ina nito sa kanilang bahay.

Tanging kurtina lamang ang nagsisilbing pintuan ng bahay kaya nagawang makapasok ng mga hindi pa nakikilalang mga salarin.

 

 

Natagpuang duguan ang sanggol sa niyugan, 100-metro mula sa kanilang bahay habang isang metro naman mula dito ay narekober ang isang diaper at isang bote ng lambanog.

Kinumpirma naman ng mga doktor na hinalay ang sanggol dahil sa nakitang lacerations o sugat sa ari nito dahilan ng matinding pagdurugo.

Kasalukuyang nagpapagaling ang sanggol sa isang ospital sa Cebu City.

Patuloy naman tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na pawang mga drug surrenderee.

 

 

https://philippinesreport.com/isang-pinay-sa-singapore-pinag-antay-sa-labas-ng-restaurant-habang-kumakain-ang-kanyang-mga-amo/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x