4 pang suspek sa Davao City bombing, tiklo

4 pang suspek sa Davao City bombing, tiklo

APAT pang suspek sa Davao City bombing ang naaresto sa magkakahiwalay na lugar sa Davao City nitong kagabi, Biyernes.

Sinabi ni P/Supt. Jimmy Daza, regional chief ng Criminal Investigation and Detection Group sa Autonomous Region of Muslim Mindanao (CIDG-ARMM), nakilala ang mga suspek na sina Mohammad Chenikandiyil, Zack Haron Villanueva Lopez, Jackson Mangulamas Usi, at Ausan Abdullah Mamasapano na nadakip sa magkakasunod na pagsisilbi ng arrest warrant.

 

4 pang suspek sa Davao City bombing, tiklo

 

Nabatid na miyembro rin ng Maute group ang apat na suspek na naghahasik ng lagim sa Mindanao.

Sa ulat, nadakip ang mga suspek dakong 7:35 p.m. sa mga bahay ng mga suspek sa Brgy. RH 7 sa Cotabato, at sa SPDA, DOS Maguindanao.

Nakumpiska sa mga ito ang isang .38 caliber pistol, isang grenade, mortars, at improvised explosive devices.

Maaalalang nahuli ang tatlong miyembro ng naturang grupo na nasa likod ng Davao city blast noong nakaraang Setyembre 2 na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat naman ng mahigit 65.

 

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *