Philippines Report

9 manggagawang pa-Korea, nasagip sa ‘human trafficking’

Nasagip ng Bureau of Immigration (BI) ang siyam taong hinihinalang biktima ng human trafficking na nagtangkang umalis ng bansa sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang mga turista, sabi ng ahensiya ngayong Linggo.

Naharang ng mga tauhan ng BI Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) sa Ninoy Aquino International Airport ang siyam bago makasakay ang mga ito ng eroplanong patungong Taiwan noong Huwebes, sabi ni BI Port Operations Division Chief Grifton Medina.

Inamin umano ng siyam na ilegal silang ni-recruit para magtrabaho bilang orange pickers sa Jeju Island, South Korea, ani Medina.

“They admitted that they were actually destined for Korea where they were illegally recruited to work as orange pickers in a plantation in Jeju Island,” ani Medina.

Nagpanggap daw ang mga pasahero na bibiyahe papuntang Jeju Island para manood ng acrobatic exhibition show.

Pero naghinala ang mga awtoridad nang magbigay ang mga ito ng magkakasalungat na sagot sa tanong ng mga Immigration officer.

“When pressed on the actual purpose of their trip, they confessed that they were hired to work with a promised monthly salary of P65,000,” ani Medina.

Ibinigay ang siyam sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa kaukulang tulong at karagdagang imbestigasyon.

Naharang ang siyam halos isang linggo matapos maharang ng mga tauhan ng BI ang walong manggagawang sinubukang tumulak pa-Cyprus sa pamamagitan din ng pagpapanggap bilang mga turista.

Naniniwala si NAIA Terminal 3 BI-TCEU chief Glen Comia na isang sindikato lang ang nasa likod sa pag-recruit sa mga biktima sa parehong insidente.

“It appears that only one syndicate was behind the recruitment of these victims,” ani Comia.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x