Philippines Report

ABS-CBN supporters, workers, nag-caravan bago desisyunan ng Kamara ang prangkisa

ABS CBN

Naglunsad ng “caravan” patungong Kamara, Lunes, ang mga empleyado't tagasuporta ng Kapamilya Network ABS-CBN habang inaabangan ang desisyon ng lehislatura kung makababalik sa ere ang pinakamalaking himpilan ng telebisyon sa Pilipinas.

Matatandaang ipinatigil ng National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng istayon  noong ika-5 ng Mayo matapos mapaso ang kanilang legislative franchise kaugnay ng kawalang aksyon ng House of Representatives sa mahigit-kumulang isang dosenang franchise renewal bills na inihain sa Konggreso.

Inaasahang pagbobotohan kasi ngayong araw, ika-6 ng Hulyo, ng House Legislative Franchises Committee kung ire-renew o hindi ang prangkisa ng ABS-CBN.

Nagtipon ang mga nagprotesta sa Commission on Human Rights (CHR) sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Lungsod ng Quezon, bago magtungo sa Batasang Pambansa.

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x