Philippines Report

Angel umani muli ng papuri dahil sa viral photos: Ang mahalaga hindi siya humihinto sa pagtulong

VIRAL na naman ang mga litrato ni Angel Locsin sa social media na pinusuan at hinangaan ng kanyang loyal fans and followers.

Makikita sa mga nasabing photo ang Kapamilya actress-TV host na nakasuot ng red dress habang nasa damuhan at kuha ito sa Old Grove Farmstead sa Batangas courtesy of Kuyarey Photography.

Sa Facebook page na Plus Size Pinay Blog namin nakita ang mga bagong litrato ni Angel. Isa itong blog na tumutulong at lumalaban para ma-empower ang mga plus size women.

Kung hindi kami nagkakamali, kuha ang mga litrato sa taping ng public service program niyang “Iba Yan” na napapanood sa ABS-CBN. Ito ang magsisilbing Valentine episode ng show ngayong linggo na may titulong “Araw ng mga Sawi.”

Umani naman ng papuri mula sa netizens ang fiancee ni Neil Arce na nagkakaisa sa pagsasabing, kahit nadagdagan ang timbang ng dalaga ay blooming at napakaganda pa rin ng kanyang aura.

In fairness, mas marami pa rin kaming nabasang positive comments sa mga viral photos ng tinaguriang real life Darna kesa sa mga nega.

“Kahit mataba o payat. Ang mahalaga hindi siya humihinto sa pag tulong sa kapwa,” comment ng isang netizen.

“Tumaba si Angel Locsin dahil sa mga iniinom niyang mga gamot because of her injury. Kahit ganoon siya ay taos puso pa rin siyang tumutulong sa mga taong nangangailangan ng tulong,” sabi naman ng fan ng aktres.

“Itaas ang bandera ng matataba…. idol ko si angel eh nun payat sya payat din ako now malaki na sya malaki din ako.. paki ba nila nyahahaha!” hirit pa ng isang FB user.

“Kapag si Angel Itaas ang bandera nang Matataba. Kapag kami hndi kagandahan mukhang gasul!? Hahahahaal! joke lang po.”

“Hindi hadlang ang katabaan or laki sa kaya mong gawin or akyatin. subrang taba ko po pero nakaya ko din minsan sa buhay ko na akyatin yan armoured car ng military. Pag talaga mahal ka ng mga tao sa paligid mo isa lang isa dalawa tatlo ang mga yan wala kanang pakialam sa sasabihin ng ibang tao.”

“Maganda pa din si angel kahit chuby na. Di naman nya gustong tumaba ng ganyan, sa mga hindi po nakakaalam, ang pagtaba po nya ngayun ay side effect ng gamot na maintenance nya para sa kanyang likod. May sakit po sya sa likod.”

Yan ang ilan pang comments ng mga netizens sa naglabasang litrato ni Angel.

Sa isang panayam kay Angel, sinabi niyang hindi na niya papatulan ang mga body-shamers, “Kung iisipin mo, maaawa ka doon sa tao, kasi anong klaseng person ka para magawa mo ‘yon? Perfect ka? Hindi mo na lang papatulan.

“May mga bagay kasi na hindi mo dapat gawin sa kapwa mo. Kung ang taong ito comfortable siya sa ginagawa niyang ‘yan, ayaw ko mag-deal sa mga ganu’ng klaseng tao. Kasi sad ang life niya.

“Kasi ako, wala akong problema. Bakit ikaw ang dami mong isyu? Ako nga, walang isyu, eh. Katawan ko ‘to, ako ‘to, sarili ko ‘to. Eh, ikaw, okay ka ba?” pahayag ng award-winning actress.

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x