Philippines Report

Bakasyonista, Nagulat sa Nakitang Lumulutang na Kakaibang Bagay na parang ‘Pritong Itlog’ sa Dagat!

Pritong Itlog

Ang ating karagatan ay talagang mayaman sa mga nakakamanghang hayop at halaman. Halos 1/3 ng buong mundo ay sakop ng karagatan, kung kaya't hindi tayo mauubusan ng mga bagong madidiskubre sa ilalim ng dagat. Tulad na lamang ng mag-asawang ito, na hindi makapaniwala sa nakita nilang nilalang na palutang-lutang!

Upang mag-relax, bumisita sa Mediterranean coast ang mag-asawang ito mula sa Singapore. Isa sa mga bucket list nila ay ang mag-explore sa magandang karagatan ng lugar, kung kaya't hindi sila nagpahuli sa pamamasyal. Ngunit sa kanilang pag-iikot, nakakita ang mag-asawa ng isang ‘itlog' na lumulutang sa dagat.

Sa unang tingin, aakalain mong may palutang-lutang na pritong itlog sa tubig. Mayroon pa itong egg yolk, at mukha talagang sunny-side up sa unang tingin. Ito rin ang naisip ng mag-asawa, hanggang sa sinubukang hawakan ng lalaki ang kakaibang ‘itlog.' Ngunit sa laking gulat nila, hindi pala ito itlog, kundi isang jellyfish!

Noong una ay umiwas pa ito, ngunit nang lapitan nila, saka nila nakita ang kabuuang itsura nito. Ang nilalang na ito ay ang Cotylorhiza tuberculata, o mas kilala bilang ‘fried egg jellyfish' dahil sa anyo nito na mukhang pritong itlog.

Ang kakaibang jellyfish na ito ay madalas matagpuan sa Mediterranean Sea, Aegean Sea, at Adriatic Sea. Singlapad ito ng 17cm, ngunit minsan ay posible ring umabot ng 50cm. Hindi katulad ng ibang mapanganib na jellyfish, hindi delikado ang sting nito sa mga tao, kung kaya't maaari mo silang hawakan ng walang pangamba.

Zooplankton ang nagsisilbing pagkain ng ‘fried egg jellyfish,' na hindi na rin kailangan pa ng katalik para dumami. Talagang nakakamangha ang nilalang na ito! Kaya sa susunod na may maispatan kayong pritong itlog sa dagat, tignan niyong mabuti at baka fried egg jellyfish lang ito.

Na-amaze ka rin ba sa kakaibang jellyfish na na-diskubre ng mag-asawang ito? I-share ang inyong opinyon sa comments section! Para sa iba pang latest updates, i-follow lamang ang Daily Insights sa Facebook.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x