Philippines Report

‘Bakit Kami Maawa sa inyo?, Pulubi ba kayo?’ Dating ABS-CBN Host, Binanatan ang ABS-CBN!

ABS-CBN

Sa kanyang social media post, binanatan ng dating ABS-CBN host na si Jay Sonza ang network giant na nahaharap ngayon sa masalimuot at posibleng pagkapaso o pagkakansela ng prangkisa.

Ayon sa retiradong mamamahayag, bagamat naiintindihan daw niya ang paghingi ng suporta at simpatya ng media outlet, hindi ipinakita ng kumpanya sa mga empleyado nito ang pag-unawa at simpatiya.

“ABS-CBN. You’re asking for understanding, support and sympathy? Naawa ba kayo sa libong kawani na sapilitan ninyong tinanggal sa trabaho at kinasuhan pa? Naawa ba kayo sa 104M Pilipino na kinakailangang balikatin ang pagbabayad sa inyong inutang at panunuba sa DBP/gobyerno? Naawa ba kayo sa halos 10K empleyado na hindi nyo binibigyan ng social amelioration tulad ng SSS, PhilHealth, at Pagibig Fund tulad ng ipinag-uutos ng mga Batas? Paano namin iintindihin ang hindi ninyo pagbabayad ng tamang mga buwis at kaukulang bayarin in the amount of billions of pesos?” 
sabi ni Sonza.

Buwelta pa ni Sonza, ang quo warrant o na inihain ni Solicitor General Jose Calida para kanselahin ang prangkisa ng ABS-CBN ay hindi isyu ng kalayaan sa pamamahayag kundi ng pagpapatupad ng batas.

a quo warranto petition ni Solicitor General Calida, iginiit nito ang paglabag ng ABS-CBN sa patakaran ng prangkisa. Ayon kay Calida nag-alok ng pay-per-view services at pag-isyu ng Philippine Depositary Receipts sa mga banyaga ang media company nang walang kaukulang permiso.

Bukod sa quo warranto issue, nahaharap din ang ABS-CBN sa banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pagharang sa franchise renewal. Ayon sa Pangulo, tinanggap daw ng ABS-CBN ang kanyang bayad sa campaign advertisement noong 2016 elections ngunit hindi naman daw pinalabas ang kanyang patalastas. Hindi rin nagustuhan ng Pangulo ang pagpapalabas ng anti-duterte ads na may ginamit na mga bata upang magsalita laban sa kanya.

Sa kongreso naman ay nakabinbin pa ang mga panukalang batas para sa legislative franchise ng ABS-CBN at hanggang ngayon ay walang pang ginagawang pagdinig ukol dito.

Source: https://lostfilesph.blogspot.com/

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x