Philippines Report

Batang lalaki, nabundol ng bridal car, patay; driver, walang lisensiya

[et_pb_section admin_label=”section”][et_pb_row admin_label=”row”][et_pb_column type=”4_4″][et_pb_text admin_label=”Text” background_layout=”light” text_orientation=”left” use_border_color=”off” border_color=”#ffffff” border_style=”solid”]

Batang lalaki, nabundol ng bridal car – Nasawi ang isang batang lalaki na pitong-taong-gulang matapos siyang mabundol ng isang bridal car sa tapat ng isang paaralan sa Camarines Sur. Ang driver ng sasakyan, napag-alamang walang lisensiya.

Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Sabado, sinabing nasaksihan ng ama ang nangyari sa kaniyang anak na si Jake Layosa, grade one pupil.

Kuwento ng ama ng biktima, papatawid ang kanyang anak nang biglang dumating ang bridal car na mabilis umano ang takbo at nasalpok ang bata.

Sa lakas daw ng pagkakabangga, tumilapon nang ilang metro ang biktima. Mabilis siyang isinugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.

Ayon sa driver ng bridal car na si Arnel Barra, papunta pa lang siya sa kasalan nang mangyari ang trahediya.

Alam daw niyang school zone ang lugar kaya binagalan daw niya ang pagpapatakbo.

Pero bigla raw sumulpot ang bata sa kalsada at hindi na niya naiwasan mahagip.

Sa pag-iimbestiga ng pulisya, napag-alamang walang lisensya ang driver.

Posible siyang maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

Philippines Report

Source Credit: http://www.gmanetwork.com/

[/et_pb_text][/et_pb_column][/et_pb_row][/et_pb_section]

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x