BBM tumulong sa mga biktima ni ‘Lawin’ sa Cagayan

TAOS-PUSONG namahagi ng tulong sa mga hinagupit ng bagyong Lawin sa bayan ng Penablanca, Cagayan si Sen. Bongbong Marcos.

Personal na ipinasakamay ni Sen. Marcos ang 15 genset, water pump at ilang sako ng relief goods sa local na pamahalaan ng Penablanca.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Marcos na bagama’t hinagupit din ng bagyo ang kanyang mga kababayan sa Ilocos Norte, inuna niya pa ring abutan ng tulong ang mga nasalanta dito sa Cagayan dahil sinangga umano nito ang lakas ng bagyo bago nanalasa sa kaniyang lugar.

Matatandaang nag-landfall sa Baguio point na sakop ng bayan ng Penablanca ang super-typhoon Lawin na nagpabagsak ng mga kabahayan gayundin sa mga pananim ng mga magsasaka.

Dagdag pa niya, ito’y bilang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya kahit na hindi siya pinalad noong nakaraang halalan.

Bagama’t kung minsan ay mayroong hindi pagkakaunawaan, umapela si Marcos na sa ganitong sitwasyon ay kinakilangan ang pagtutulungan para agad makabagon ang mga matinding pinadapa ng bagyo.

Inihayag ng senador na bagama’t kaunti lamang ang naitalang namatay sa lalawigan kumpara sa binawian ng buhay noong manalasa ang bagyong Yolanda sa Tacloban, halos pareho rin ang sinapit nito dahil sa dami ng mga nawasak na imprastruktura. JOHNNY ARASGA

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *