Philippines Report

Biñan mayor namahagi ng sako-sakong bigas, manok, gulay sa mga residente

Biñan mayor

Unang araw matapos ideklara ang enhanced community quarantine (ECQ) sa buong Luzon, agad nang umarangkada ang Biñan mayor ng Biñan City sa mga residente na pinakaunang maaapektuhan ng nasabing order.

Ito ay bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na ayudahan ng mga lokal na opisyal ang pangangailangan ng kanilang apektadong mamamayan.

Martes ay agad naghanda ang pamahalaang panglungsod ng sako-sakong bigas upang ipamahagi sa unang 50,000 pamilya na residente ng lungsod.

Ang Biñan City ay may populasyon na 80,000 pamilya.

Personal namang namahagi ng mga buhay na native na manok at mga sayote si Biñan Mayor Arman Dimaguila sa mga indigent residents ng lungsod.

Galing ang mga native na manok sa Biñan City organic farm na isa rin sa mga proyekto ng lungsod.

Kasabay din ng pamamahagi ng mga disinfectant at face mask sa ilang mga lugar.

Namigay din ang mga ito ng mga leaflets para sa impormasyon tungkol sa COVID-19.

Sa bisa naman ng Executive Order No. 12 ni Dimaguila ay ipinag-utos din nito na ibigay na kaagad ang mid-year bonus o 13th month pay, advance na suweldo para sa Marso, at karagdagang P2,000 allowance ng mga regular at mga casual na empleyado ng city hall bago mag-Marso 20.

Makakatanggap pa din ng staple food allowance ang lahat mga kawani na mga frontliners at mga essential personnel na nangangasiwa sa pagsugpo sa paglaganap ng COVID-19 sa lungsod.

Maging ang mga job orderemployee ay makakatanggap din ng buong suweldo sa panahon ng quarantine at ang mga JO na nasa fontline ay may karagdagang 20% na premium sa panahon ng ECQ.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x