Philippines Report

Boobs Ni Deborah Sun Pinagnasaan Ng Nakakulong Na Ex-Matinee Idol

NALOKA kami sa birthday party na dinaluhan namin dahil sa kuwento ni Deborah Sun.

­Unang tsika niya sa amin, nagpapasalamat daw siya kay Coco Martin dahil pinakiusapan daw niyang isali siya sa Ang Probinsyano dahil kailangan niya ng trabaho, at kaagad naman daw na isinama siya roon ­kahit sandali lang.

“Okay lang ‘yun, basta may trabaho, di ba? Ang bait-bait ni Coco sa akin,” kuwento pa ni Deborah.

Ang ikinaloka namin sa kuwento niya ay isang madaling araw daw nung nagi-internet­ siya, biglang nag-PM daw sa kanya ang isang dating matinee idol na nakakulong pa rin ngayon.

 

Higanteng bato na pinaniniwalaang may ginto, binabantayan ng mga residente

 

Kahit pala nasa loob ng kulungan itong si dating matinee idol ay nakakapag-social media pa ito at active na active daw ito sa Facebook.

Si Deborah nga ang isa sa nakaka-chat niya, pero nagulat lang ang aktres nang biglang pumasok daw ang mensahe ng nakakulong na dating matinee idol.

Sabi raw sa kanya: “Tita, puwede bang makita ang boobs mo? I’m serious.”

Tawa kami nang tawa sa kuwento ni Deborah. Para raw maniwala kami, ipinakita pa niya sa amin ang private messages sa kanya nitong aktor.

“Naku! 59 years old na ako, pagnanasaan pa ba niya ako? Hindi ko sinagot,” sabi sa amin ni Deborah.

 

Solons welcome resignation of CHED chair Licuanan

 

Dagdag pang PM sa kanya; “Curious ako. Mahilig ako sa malaki ang boobs. I know you understand my request tita.”

Deadma pa rin daw si Deborah dahil kinikilabutan na raw siya sa ipinaparating sa kanyang mensahe. Hanggang sa nag-message na lang daw sa kanya na, “Kung ayaw mo eh, eh di huwag!”

May pahabol pa raw na sana secret lang daw nila iyun, pero hindi nakapagpi­gil si Deborah, naaliw siyang ikuwento sa amin ang karanasang iyun.

Hindi namin alam kung may asim pa nga ba si Deborah, pero sabi nung isang mamang katabi namin sa table, kahit matanda na raw ang aktres, maganda pa rin daw ito. ‘Yun na!

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response