Philippines Report

Canada kukuha ng 2,000 Filipino workers kada taon

Canada kukuha ng 2,000 Filipino workers kada taon

Canada kukuha ng 2,000 Filipino workers kada taon

Dalawang libong Pinoy skilled workers ang kakailanganin kada taon sa Yukon territory sa Canada, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Nilagdaan noong nakaraang linggo ng mga opisyal ng DOLE at mula Yukon ang kasunduan para sa pagkuha ng 2,000 Pinoy skilled workers.

Ang Yukon ay teritoryo sa hilagang bahagi ng Canada na mayroong 20,000 populasyon.

Kabilang sa mga skilled worker na kailangan sa Yukon ay mga nurse, engineer, heavy equipment o machine operator, chef, at teacher, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello.

Nasa P80,000 umano ang minimum na sahod.

Ayon kay Bello, inutusan na niya si Philippine Overseas Employment Administration (POEA) administrator Bernard Olalia na padaliin ang pagproseso sa mga magtatrabaho sa Yukon.

Sa isang pahayag, sinabi naman ni Olalia na idadaan sa government-to-government track ang pagpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa Yukon, na nangangahulugang POEA ang hahawak ng aplikasyon at walang sisingiling placement fee.

Inabisuhan ang mga interesadong aplikante na antabayanan ang iba pang anunsiyo sa website ng POEA dahil inaayos pa ang job orders.

Source: ABS CBN

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x