Philippines Report

Caviteño Viral Matapos Magsuot Ng Pormal Para sa Picture Taking Ng Kanyang Binili Online (PICS)

Caviteño Viral Matapos Magsuot Ng Pormal Para sa Picture Taking Ng Kanyang Binili Online

Viral ngayon at talagang kinatuwaan ng mga netizen online, ang pagsusuot ng pormal ng isang Caviteño para sa kaniyang ‘photo op’ kasama ang binili sa isang online application.

Image may contain: 1 person, sitting and outdoor

Kilalanin si John Carlo Ison, isang dating flight attendant na naging viral sensation nang magbihis siya ng isang spiffy suit at nagkaroon ng biglaang photoshoot noong nakaraang linggo, salamat sa isang delivery guy.

Image may contain: 1 person, standing and outdoor

“Kada na lang ako may delivery lagi akong mukhang ewan…Pero today Di na ako makakapayag!! Pag ka-receive ko ng txt na may delivery ako today nag ready talaga ko ng buong puso,” saad niya sa kaniyang Facebook post na agad na nakakuha ng libu-libong reactions online.

Image may contain: 1 person, outdoor

Ginamit rin niya sa kaniyang post ang pamosong linya ni Tom Ford na isang American Fashion Designer. “Dressing well is a form of good manners,” aniya.

Image may contain: 1 person, child and outdoor

Normal nang gawain ng mga delivery rider sa Pilipinas na tanungin ang mga mamimili na magpose para sa isang litrato habang hawak ang kanilang binili upang maging patunay na sila ay nagtatrabaho. Ngunit sa ilang Pinoy, naging kasanayan na rin ito upang mapagkunan ng kasiyahan sa iba’t ibang paraan.

Sa interbyu ng Coconuts Manila kay Ison sinabi niyang nakuha niya ang ideya ng pagsusuot ng pormal sa larawan mula rin sa isang netizen online.

“The delivery guy was shookt. But I asked his permission first if he could join me in the photo. He was game, so we did the photoshoot,” aniya sa interbyu.

Inamin rin niyang na-overwhelmed siya sa naging resulta ng kaniyang mga larawan na humakot na ng madaming reactions at comment online.

“I was pretty calm at first. But when one of my friends said that there were so many likes and shares [I became] happy. But I’m a little sad because I couldn’t reply to everyone,” dagdga niya.

Ayon sa Facebook post ni John Carlo Ison :

Oh nakita mo hinahanap mo!!😋

Kada na lang ako may delivery lagi akong mukhang ewan..

Pero today Di na ako makakapayag!! Pag ka-receive ko ng txt na may delivery ako today nag ready talaga ko ng buong puso.!

“𝔻𝕣𝕖𝕤𝕤𝕚𝕟𝕘 𝕨𝕖𝕝𝕝 𝕚𝕤 𝕒 𝕗𝕠𝕣𝕞 𝕠𝕗 𝕘𝕠𝕠𝕕 𝕞𝕒𝕟𝕟𝕖𝕣𝕤.”


📷 John Carlo Ison (Facebook)

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x