Philippines Report

Cebu hospitals puno na, frontliners, nais mag-resign

Cebu

Nagpahayag ng pagnanais na “mag-quit” at “mag-resign” ng karamihang nurses sa Cebu matapos na mapuno na ang kanilang mga ospital ng mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Dr. Peter Mancao, public relations officer ng Cebu Medical Society, bukod sa pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 sa lugar, nagkakaroon na sila ng problema sa staffing.

Natatakot at nawawalan na ng loob ang mga medical frontliners at nangangambang pati sila ay mahawa dahil sa dami ng pasyenteng may COVID-19 sa sineserbisyuhang ospital.

“Our problem is also the staffing, ‘yung nurses are afraid. I was talking to our CCO (chief clinical officer) nurse, they’re going to resign because they’re afraid. I think we have to, if you're in a war, dapat mag-retreat muna tayo, re-arm, yung nurses are very low in morale,” pahayag ni Dr. Mancao sa panayam sa kanya ng DZMM Teleradyo.

Dahil dito, hiling nila na mabigyan sila ng pamahalaan ng sapat na mga “armas” sa laban nila kontra COVID-19 tulad ng mga face masks at PPE.

Magandang paraan daw ito upang hindi mangibabaw ang takot sa mga nurses at hindi na nila maisip pang magbitaw sa trabaho.

Nananawagan din si Dr. Mancao na patuloy pa rin ang pag-iingat ng publiko at ugaliing maghugas ng kamay. Ito lamang raw ang mainam na paraan upang hindi na lumobo pa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Cebu.

Matatandaan na noong Hunyo 16, mula GCQ ay ibinalik ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ECQ ang Cebu dahil sa di mapigilang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa lugar.

Nasabi pa ng pangulo na tila nagpakakampante ang mga Cebuano at ngayon nila nararanasan ang bagsik ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support #PhilippinesReport team!

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x