Philippines Report

Charter Change (Cha-cha): Bubuwagin ang tanggapan ng Bise Presidente

Ibinunyag ni Bayan Muna chairman at dating congressman Neri Colmenares na alinsunod sa itinutulak na Charter Change (Cha-cha) ay bubuwagin na ang tanggapan ng Bise Presi­dente.

Nakapaoob din umano sa Cha-Cha na papa­yagan pa rin si Pangulong Rodrigo Duterte na mu­ling tumakbo sa pagka-Presidente sa taong 2022.

“Under the PDP-Laban Constitution, the office of the Vice President will be abolished by 2019 if they succeed in having the new Constitution ratified during the 2019 elections. Vice-Pre­sident Leni Robredo will be ousted from her office long before her term ends in 2022. While PDP Laban may argue that they will not apply this to VP Robredo, this is not expressed in PDP Laban Constitution since they have refused to divulge their transitory provision,” pahayag ni Colmenares.

Kung pahihintulutan man aniyang manatili sa puwesto si Robredo hanggang sa 2022 ay magi­ging “lame-duck Vice President” lamang ito at hindi kasali sa listahan ng “line of succession” ni PDu30.

 

Trillanes: Si Duterte ang gumigiba sa institusyon ng Senado

 

 

“The problem is, while PDP Laban wants to lengthen the terms of congressmen from three years to five years, they are practically cutting the term of the second highest official under the 1987 Constitution,” dagdag nito.

Ang nakabinbing vice-presidential election protest ay mawawalan na umano ng saysay sapagkat ang pangalawa sa pinakamataas na opisyal sa ilalim ng bagong Konstitusyon ay hindi na ang Vice-President kundi ang Senate President at ang House Speaker.

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response