Christmas wish ng batang biktima ni Urduja natupad

Christmas wish ng batang biktima ni Urduja natupad – Mangiyak-ngiyak si Jonabel Garcelazo nang makatanggap ng school supplies na regalo ngayong Pasko sa isang eskuwelahan sa Tanauan, Leyte.

Katatapos lang hagupitin ng bagyong Urduja ang kanilang probinsya at nabasa lahat ng gamit sa eskuwelahan ni Jonabel kaya malaking bagay para sa kaniya ang makatanggap ng plastic envelope na nag­lalaman ng mga notebook, lapis, krayola at papel na siyang isa sa kaniyang kahilingan ngayong Pasko.

Nasa ika-anim na baitang sa Sacme Ele­mentary School si Jonabel. Kabilang siya sa 156 na mga estudyanteng tumanggap ng school supplies na mula sa ‘Light the World’ campaign ng isang sekta.

 

Mark Anthony abswelto sa marijuana

 

Madalas bahain ang lugar nina Jonabel kaya maraming beses din na nasususpendi ang klase sa kanilang eskuwelahan kapag panahon ng tag-ulan at may bagyo dahil binabaha ang mga silid-aralan.

Kaya laking tuwa ni Jonabel na makatanggap ng ganitong regalo lalo pa’t alam niyang walang pambili ang kanyang inang si Joan para mapalitan ang mga gamit na nabasa ng bagyo.

Kuwento ni Jonabel, mahigit 10 taon nang hiwalay ang kaniyang mga magulang. Mag-isa na lang ang kaniyang ina na bumubuhay sa kanilang tatlong magkakapatid.

Ang hanapbuhay ng ina ni Jonabel ay sa bukid na trabahong panglalaki at kumikita lang ng P200 kada araw mula sa maghapong pagtatrabaho.

Pangarap ni Isabel na maging abogado para makatulong sa pagtatanggol ng mga naaapi.

Pero hindi pa niya alam kung sino ang susuporta sa kaniya para makapag-aral sa kolehiyo balang araw.

 

24 employees feared trapped in Davao City mall fire


Posted

in

by

Tags:

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *