Philippines Report

Dahilsa sobrang pagod sa Brigada Eskwela, guro patay

Brigada Eskwela

Isang public school teacher na sinasabing nasobrahan ng pagod sa paglilinis sa kanyang silid-aralan na bahagi ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd) ang nasawi matapos maputukan ng ugat sa kanyang ulo.

Umaapela ngayon ng tulong ang pamilya ni Minerva Rusia Aberia, 59, grade 6 English Teacher ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila.

Bago nasawi si Teacher Minerva nitong June 13, 2019 ay naratay muna siya ng mahigit tatlong linggo sa ospital.

Nabatid na nitong nakalipas na Brigada Eskwela ay mag-isang nilinis ni teacher Minerva ang kanyang silid-aralan hanggang makaramdam ng matinding kirot sa kanyang ulo at unti-unting nanghina.

Isinugod sa Hospital at doon nalaman na pumutok ang ugat nito sa kanyang ulo at sumailalim sa maselang operasyon at sa loob ng tatlong linggo ay tuluyang nalagutan ng hininga.

Mahigit sa tatlong dekada nang nagtuturo sa pampublikong paaralan ang ginang at sana sa pagtatapos ng school year 2019-2020 ay magreretiro na ito.

Umaasa naman ang pamilya ng guro na tutulu­ngan sila ng DepEd na una nang ipinangako sa kanila.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x