Philippines Report

De Lima kay Pangulong Duterte: Manghuli ka naman ng big time drug lord!

Muling hinamon ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Duterte na magpakulong ng mga big-time na drug lord at mayayamang drug user.

Ayon sa nakakulong na senadora, panahon nang patunayan ng pangulo na wala itong sinasanto at ipakita na hindi lang mahihirap ang puntirya ng gyera nito laban sa droga.

May ganitong hamon si De Lima matapos madakip ang isang Indian national na umamin na taga-suplay ng party drug sa mga club at kabilang umano sa kaniyang mga kliyente ay pulitiko, celebrity at mula sa mayayamang pamilya.

Natiklo noong Mayo 25 na nagbebenta ng droga sa Alabang Hills Village, Muntinlupa ang Indian national na si Rajiv Gidwani at kasabwat na si Jeremiah Alero Carillon

 

Duterte fires PhilHealth OIC Dela Serna

 

 

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nahuli kina Gidwani ang may P1milyong halaga ng “kush” na tawag sa high-grade type ng marijuana, ecstasy tablets at ecstasy liquid o “ketamine” na pawing hinihinala na pulist mula sa India.

“Kung matapang talaga si Duterte, bakit mukhang naduduwag siyang panagutin ang tunay at maimpluwensyang drug users at pushers? Bakit laging mahihirap lang ang biktima at tinatarget ng kanilang gyera laban sa droga?” tanong ng senadora.

source:abante

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x