Philippines Report

Disente ang tatay niya at hindi ako sinaktan tulad ng mga guwapo riyan – Sharon sa nanglait kay Frankie!

Sharon

“BAKIT n’yo ginagawa ito sa mga anak ko!” – Sharon

Yan ang lumuluhang tanong ni Megastar Sharon Cuneta sa mga bashers at trolls na nambabastos at nambu-bully kina KC Concepcion at Frankie Pangilinan.

Humarap si Mega sa kanyang fans and followers sa pamamagitan ng Instagram Live kahapon para ibahagi ang kanyang saloobin sa pinagdaraanan ngayon ng kanyang pamilya.

Sa isang bahagi nga ng video ay hindi napigilan ng singer-actress ang maiyak nang muli niyang ipagtanggol sina KC at Frankie sa haters. 

Binanatan niya ang ilang netizens na walang ginawa kundi pag-awayin at pagkumparahin ang magkapatid dahil nga magkaiba ang kanilang mga tatay. Si KC ay anak ni Mega kay Gabby Concepcion habang si Frankie naman ay panganay nila ni Sen. Kiko Pangilinan.

“Ewan ko ba, bakit may mga taong ang sasama. Ito na ba ang panahon ngayon? It’s a stab in my heart. You don’t let siblings fight one another.

“Why are you so bad? Why are you doing that to my children. Huwag niyo silang pag-awayin. Wag niyo silang siraan.

“Gumagawa kayo ng istorya. Nao-offend ako for Frankie. Hindi man siya kasingganda ng Ate KC niya, natural, hindi naman matinee idol ang tatay niya, pero iba naman ang ganda niya,” pahayag ni Sharon.

Hirit pa niya, “Disente ang tatay niya at hindi ako sinaktan tulad ng mga guwapo nga diyan.

“Hindi ako nagpapaawa at nagpapapansin. Sana, ibalik natin ang pagkadisente natin sa lipunan,” sey pa ni Mega.

Habang nagsasalita si Sharon, biglang pumasok sa kwarto si Frankie at kinausap ito, “I’m so sorry. You don’t deserve.

“And in the end, that’s not what matters, you know,” sey ni Mega. 

Sagot ni Frankie, huwag mag-alala ang ina dahil hindi siya affected sa panglalait sa itsura niya. Aniya, magkakaiba naman ang sukatan para makita ang ganda ng isang tao.

 “That’s right. You’re very pretty, honey. Each of you has your own kind of beauty. Yeah, you’re different from each other,” sabi pa ni Sharon sa anak.

Please like and share our Facebook posts to support Philippines Report team!

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x