Philippines Report

Duterte: Huwag kayong bumoto ng mayamang kandidato, hindi ‘yan sinsero!

Maharlika

Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na huwag pipili ng mga mayayamang kandidato dahil hindi umano nalalaman ng mga ito ang sentimyento ng taumbayan.

Sa pagsasalita niya sa campaign rally ng PDP-Laban sa Abra, sinabi nitong dapat humanap ng mga bagong lider na sinsero, hardworking, at may magandang track record.

“Mamili kayo ng presidente, congressman, huwag kayong pumili ‘yang mga mayaman. They cannot fathom. Sa Binisaya, di nila makab-ot. Sa Tagalog, hindi nila makuha sa ilalim ‘yung sentimiyento ng tao,” anang Pangulo.

Gagamitin lang umano ng mga mayayamang kandidato ang mga tao.

“Pagka ‘yang mga milyonaryo na dati may mga korporasyon, mga plantation, gagamitin lang kayo niyan. Maghanap kayo ng mga tao na sinsero. ‘Yun nagtrabaho na’t may maipakita na,” dagdag pa niya.

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

1 Comment

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x