Philippines Report

Enchong, Nilinis ang Opisina ni VP Leni

Philippines Report October 14, 2020 News No Comments on Enchong, Nilinis ang Opisina ni VP Leni
VP Leni

Sa guesting ni VP Leni sa IG Live ni @g3cafe, ikinuwento nya ang mga programang inilunsad ng kanyang opisina ngayong pandemic.

Kasabay nito, binanggit din nya ang napakaraming volunteers kasali na ang mga artista na tumulong sa kanyang mga programa.

“May mga artista na silently, very very silently tumutulong. Example, si Enchong. Si Enchong hindi lang nagso-solicit din ng pamigay, hindi lang ‘yun.

“Lalo nung early days bigla na lang mag-aappear sa opisina namin may dalang merienda para sa mga volunteers, siya ang nagdadrive sa sarili niya,” kwento ni VP Leni.

Nang mag-Disinfect si Enchong

Patuloy ni VP Leni, three weeks ago daw, kinausap daw sya ni Enchong na may kaibigan sya na pwede magdisinfect ng Office of the Vice President dahil alam daw nya na marami laging tao ang pumupunta dun. Kaso kailangan daw walang tao habang nagdidisinfect.

“So kami, nag-schedule kami 6 o’clock in the evening, wala na kaming lahat. Ta’s bigla na lang iyong security sa office nagpadala ng video. Si Enchong mismo ‘yung naglilinis!”

“Siya mismo ‘yung naglilinis! Alam mo ‘yon, na wala naman makakakita sa kanya pero siya ang gumagawa!” kwento ni VP Leni.

Matatandaan din na nagdonate din si Enchong ng higit sa 500 personal protective equipment at pagkain sa OVP noong Abril na kasagsagan ng pagkalat ng pandemya.

Mapapasabi ka nalang na, sana ol!

Source

Related Articles:

Like this Article? Share it!

About The Author

Leave A Response

GET REGULAR UPDATES,

Simply Enter Your Name & Best Email.

x