Fajardo, 3-straight MVP; Newsome, Rookie of the Year

SA kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association, nasungkit ni June Mar Fajardo ng San Miguel Beermen ang kanyang ikatlong PBA Most Valuable Player (MVP) award sa katatapos lang na 2016 PBA Leo Awards.

Si ‘Kraken’ ang may unang PBA player na nakakuha ng tatlong sunod na PBA MVP na nagbigay pa ng maikling speech matapos makuha ang kanyang tropeyo.

“Masaya ako na nakuha ko ang MVP, pero malungkot ako na hindi ko natulungan ang team ko makapunta sa Finals,” ani June Mar.

Maaalala isang kampeonato ngayong taon (All-Filipino Cup) kung saan nakapagtala pa sila ng record na manalo sa seven-game series sa kabila ng 0-3 deficit laban sa Alaska Aces, at dalawang semifinals appearance sa Commissioner’s at Governor’s Cup.

Bukod sa MVP award, nakuha rin ni Fajardo ang Sportsmanship award at napasama sa Mythical 1st Team ng liga.

Samantala, napili naman bilang Rookie of the Year si Chris Newsome ng Meralco Bolts na ngayo’y sa unang pagkakataon ay nasa PBA Finals kontra sa Barangay Ginebra San Miguel.

Ito pa listahan ng mga nagkamit ng parangal sa 2016 Leo Awards:

Most Improved Player: Jericho Cruz (Rain or Shine Elasto Painters)

All-Defensive Team: Marc Pingris (Purefoods Star Hotshots), Chris Ross (San Miguel Beermen), Ping Eximiniano (Alaska Aces), Gabe Norwood (RoS), Japeth Aguilar (Barangay Ginebra San Miguel).

Mythical 2nd Team: Alex Cabagnot (SMB), LA Tenorio (BGSM), Japeth Aguilar (BGSM), Asi Taulava (NLEX Road Warriors), Sean Anthony (NLEX).

Mythical 1st Team: Jason Castro (Tropang Texters), Terrence Romeo (GlobalPort Batang Pier), Calvin Abueva (Alaska), Arwind Santos (SMB), June Mar Fajardo (SMB). GILBERT MENDIOLA

Remate


Posted

in

by

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *